Wednesday, April 18, 2007

The Card

Lunes ng umaga. Sabay tayong sumakay sa MRT patungong South. Nakapula ka at ako'y nakasuot ng napakaluwag na berdeng shirt. Hmmm... Mestisuhin ka ring katulad ko. Napansin mo'ng tinitingnan kita pero di ka nagpahalata. Pero alam kong PLU ka rin kasi ang likot ng mga mata mo sa tuwing may mga lalaking sumasakay o bumababa sa sasakyan.

Bumaba ka sa Buendia samantalang ako ay sa Taft pa. Pakiramdam ko di mo ako type. No big deal. Hahaha.

Pagdating ng estasyon ng Taft at bumaba na ako sa tren, may isang lalaking humabol sa akin at may inabot na calling card. Nahulog ko raw. Wala naman akong calling card na dala. Napansin kong parang pamilyar sa akin ang pagmumukhang yun. Patuloy pa rin ako sa paglakad.

Nang binasa ko na ang nakalagay sa card, nakita ko'ng may sulat kamay dito: "Hi! This is the guy in red shirt. I bet you like me. Wanna hook up?" At may nakalagay na numero ng cellphone dito. Ako'y napailing. Akalain mo, mas mabilis ka pa pala sa akin.

But then again. Shall I call you?

No comments: